At sa ibang sanlinggo'y inihahatid tayo Ng Diyos na masaklolo sa araw ng Sabado; Masok tayo sa templo't nang ang pala'y matamo. Masok tayo sa templo't nang ang pala'y matamo.
Hingin nating dagdagan biyaya Niyang bigay Upang sa kasalanan ay mayrong ipamaram; At upang masumpungan ganap na katuwaan. At upang masumpungan ganap na katuwaan.
Sa banal Mong harapan kami'y nananambitan, Nawa ay maranasan iyong kapayapaan; Mukha Mo'y ipatanaw at lagi Mong samahan. Mukha Mo'y ipatanaw at lagi Mong samahan.
Sa ebanghelyong tinig nawa ay manga-akit Ang sa sala'y giyagis na sa Diyos ay magbalik; At nawa'y ang may hapis sa tuwa ay mabihis. At nawa'y ang may hapis sa tuwa ay mabihis.